--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng pamunuan ng 5th Infantry Star Division, Philippine Army sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela na hindi nila papayagang makapasok ang sinumang terorista tulad ng Maute Group sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Captain Jefferson Somera, Division Public Affairs Officer ng 5th ID, mariing kinokondena nag 5th ID ang pagsalakay ng teroristang grupong Maute sa Lunsod ng Marawi.

Sinabi rin ni Captain Somera na sinisiguro ni Major General Paul Atal, Commander ng 5th ID na mananatiling mapagmatyag ang mga kasapi ng star troopers laban sa grupo ng mga terorista upang maiwasan ang kahalintulad na pangyayari sa Lunsod ng Marawi.

Samantala, hinikayat din niya ang mga mamamamayan na makipagtulungan at ipagbigay-alam sa otoridad kung may impormasyon silang malalaman ukol sa hakbang ng rebeldeng grupo.

--Ads--

Ang 5th Infantry Star Division ay may isang brigada partikular ang 501st Brigade na nakatalaga sa Mindanao at may dalawa pang Infantry Batallion sa Hilagang Luzon.