--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling binuksan ng 5th Infantry Division Philippine Army Camp Melchor Dela Cruz Upi, Gamu, Isabela ang pagtanggap ng mga aplikante para sa susunod na batch ng mga candidate soldiers.

Dalawang daan apatnaput lima ulit ang kanilang quota para sa susunod na batch.

Kabilang sa mga unang gawin ng aplikante ay dumalaw sa division recruitment office sa loob ng 5th ID sa Upi, Gamu para magpatala o magparehistro para mabigyan sila ng tamang payo at para malaman ang mga dapat na ihandang dokumento.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Capt. Jefferson Somera, chief ng Division Public Affairs Office ( DPAO )
ng 5th ID na kapag nakapagparehistro na sila ay kabilang sa mga dapat ihandang dokumento tulad ng mga clearance, diploma, transcript of record at iba pa.

--Ads--

wala pang resulta ang naunang aptitude test dahil hinihintay pa nila ang resulta na magmumula sa kanilang punong tanggapan.

Ang kanilang quota para sa susunod na batch ay 245 .

Sampung battalion sa buong pilipinas ang kailangang punuan ng philippine army.

Patas aniya ang quota ng 5th ID sa iba pang division ng philippine army sa bansa.

Ang dapat katangian ng isang magiging sundalo ay may good moral character, physically fit o matatag at matibay ang katawan para malampasan ang apat na buwan na training.

Bukas ang pagtanggap ng 5th ID ng mga aplikante hanggang mapuno ang quota.

Samantala, dalawa ang nag-quit o umurong sa mga kasalukuyang nagsasanay sa pagka-sundalo dahil sila ay nagkasakit.