CAUAYAN CITY – Dahil sa pinahigpit na pagpapatupad ng kampanya kontra loose firearms ay 6 na ibat ibang uri ng baril ang isinuko sa Jones Police Station ngayon buwan ng Hunyo.
Ito ay kinabibilangan ng 2 Ca. 45 baril, isang Cal. 40, isang Cal. 22 na may mga bala, isang 12 gauge shotgun at isang 9mm pistol.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang mga baril na isinuko ay mga nagpaso na lisensiya at ipinasakamay na sa pangangalaga ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).
Maaari namang masampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang sinumang indibidwal na mahulihan ng mga baril at bala na walang lisensiya o nagpaso na ang papeles nito.
Dahil dito pinapayuhan ang mga nagtataglay ng baril na walang kaukulang lisensiya o nagpaso na ang mga lisensiya na isuko na lamang sa mga himpilan ng pulisya upang hindi sila maharap sa kaso.




