--Ads--

Anim na katao ang nasugatan sa isang pagsabog sa isang residential area sa Tumana, Barangay NBBN, Navotas City, matapos umanong sumabog ang isang gas burner o “super kalan” sa loob ng isang eskinita.

Ayon sa paunang ulat, apat sa mga nasugatan ang agad na dinala sa Tondo Medical Center, habang ang iba ay isinugod sa Navotas City Hospital para sa karagdagang gamutan.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang eksaktong dahilan ng pagsabog at ang lawak ng pinsalang idinulot nito.

Binigyang-diin din ang paalala sa publiko na maging maingat sa paggamit ng mga kagamitang pangluto sa loob ng bahay upang maiwasan ang mga aksidenteng maaaring magdulot ng panganib.

--Ads--