CAUAYAN CITY – Umaabot na sa anim na libong manggagawa sa formal sector sa lambak ng Cagayan ang nabigyan na ng ayuda ng DOLE Region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gerry Nicolas, Senior Labor and Employment Officer ng DOLE Region 2, sinabi niya na mula noong April 7 ay nakapagproseso na sila ng aplikasyon ng umaabot sa anim na libong nagtatrabaho sa formal sector.
Ang nasabing bilang ng mga manggagawa ay mula sa 701 establisyementong nag-aplay sa kanila.
Sa ngayon ay umaabot na sa P30-M ang kanilang naibigay na ayuda at bawat manggagawa na sumailalim sa no work no pay ay nakatanggap ng limang libong piso.
Ang halagang ito ay para sa mga nasa formal sector lamang dahil ang mga nasa informal sector ay kasalukuyan pa rin ang paglilista nila ng mga magiging benepisaryo.











