--Ads--

CAUAYAN CITY– tinatayang 60,000 piraso ng fully grown Marijuana Plant ang sinira ng mga otoridad sa isinagawang marijuana Eradication sa barangay Buscalan Tinglayan, Kalinga

Pinangunahan ang operasyon ng Provincial Drug Enforcement Unit, Tinglayan Municipal Police Station, 1st at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Regional Drug Enforcement Unit, Regional Mobile Force Battalion, Regional Intellignce unit 14, PNP Special Action Force, NBI Bayombong at PDEA Kalinga.

Binunot at sinira ng mga otoridad ang 60,000 fully grown Marijuana Plant na nakatanim sa 4,000 square meters ng lupain.

Ang mga binunot na marijuana plants ay sinunog din sa lugar kung saan itinanim.

--Ads--

Walang nadakip na pinaghihinalaan sa pagtatanim ng marijuana plants sa nabanggit na lugar.