--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang drayber ng motorsiklo matapos magulungan ng pampasaherong bus sa San Fabian, Echague, Isabela.

Ang nasawi ay si John Denver Ramirez, 36 anyos, may-asawa at residente ng Calao Alicia, Isabela habang ang tsuper ng bus ay si Gerome Rillon, 43 anyos, may-asawa at residente ng Brgy Dipintin, Maddela, Quirino.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng biktima sakay ng kaniyang motorsiklo ang pambansang lansangan patungong hilagang direksyon nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nawalan siya ng kontrol sa manibela at bumangga siya sa barikada ng ginagawang daan.

Hindi naman napansin agad ng tsuper ng paparating na Victory bus ang biktima na nakahandusay sa daan kaya nagulungan at nagkalasog-lasug ang katawan.

--Ads--

Ang tsuper ng bus ay nasa pangangalaga na ng Echague Police Station at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.