CAUAYAN CITY – Away sa lupa ang pangunahing anggulo na iniimbestigahan ng mga miyembro ng Ramon Police Station sa pagbaril at pagpatay sa isang biyuda sa b Planas, Ramon, Isabela.
Ang biktima ay si Linda Fidel, 55 anyos, biyuda at residente ng Purok 3, Planas, Ramon, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Lord Wilson Adorio , hepe ng Ramon Police Station na dalawang beses na pinaputukan ng suspek ang biktima sa harapan ng kanyang tindahan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Ang suspek ay inilirawang katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na jacket at bullcap.
Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek kasama ang dalawa pa na sakay ng motorsiklo patungong direksiyon ng Cordon, Isabela.
Nagsagawa ng pagsusuri sa crime scene ang mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) Team mula sa Santiago City