--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinanghal na regional winner ng Search for Huwarang Pantawid Pamilya 2019 ng Department of Social Welfare Development (DSWD) region 2 ang Pamilya Perez sa Delfin Albano,  Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jeanette  Lozano, focal person sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ng DSWD region 2, sinabi niya na apat na pamilya mula sa iba’t ibang lalawigan sa ikalawang rehiyon ang finalist sa nasabing paligsahan.

Nangibabaw aniya sa  kanilang isinagawang validation ang Perez family na Huwarang Pantawid Pamilyang Pilipino na maaaring pamarisan ng iba pang mga benipisyaryo ng 4P’s sa rehiyon dos.

Ang pamilya Perez ay dumalo sa National Family Day Celebration na ginanap noong September 29, 2019  sa SM City North EDSA Skydome at tumanggap sila ng Php 5,000 at plake ng pagkilala.

--Ads--

Isasagawa ng DSWD ang regional awarding sa October 17, 2019 kasabay ng pagdiriwang ng International Day of Overcoming Extreme Poverty.

Makakatanggap ang Pamilya Perez ng 15,000 bilang regional winner.

Ang 2nd prize ay P/10,000, ang 3rd prize ay P/8,000 at ang 4th prize ay P/5,000.

Sa tulong ng mga natanggap na benepisyo mula sa 4P’s ay nagtapos ng kolehiyo ang mga miyembro ng pamilya Perez.

Ang tinig ni Jeanette Lozano

Photo credit: DSWD region 2 FB