--Ads--

CAUAYAN CITY – Pitu sa 19 na barangay ang isina-ilalim sa areas of concern ng PNP sa bayan ng Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Rubelita Aglipay, hepe ng Dupax Del Sur Police Station na ang pitong barangay ay nakitaan ng presensiya ng mga rebeldeng grupo.

Isinailalim nila sa areas of concern ang pitung barangay upang mahigpit nilang mamonitor at maiwasan ang di kanais nais na pangyayari sa panahon ang Barangay at Sangguniang Kabataan election.

Tiniyak naman ni Chief Inspector Aglipay na mayroon na silang inilatag na security measures para maidaos ang tahimik at payapang halalan sa nasabing bayan sa May 14, 2018.

--Ads--

Noong May 3, 2018 ay nagkaroon ng peace covenant signing ang mga kandidato upang tiyakin ang kapayapaan sa darating na halalan.