CAUAYAN CITY – Mahigit 200 mag-aaral ang apektado dahil sa pagpapasunog ng pitung classroom kung saan tatlo ang tuluyang natupok ng apoy sa Kakiduguen Elementary School sa Kasibu, Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Senior Fire Officer 2 Reynaldo Tugade OIC ng BFP Kasibu, Nueva Vizcaya na bago anya ang pagkakasunog ng mga silid aralan ay may mga batang naglalaro noong hapon ng Sabado at nagsimula ang sunog ganap na alas singko ng hapon ngunit iniulat sa kanila pasado alas sias na nang gabi.
Dalawampu’t pitong kilometro ang layo ng nasabing paaralan mula sa kanilang fire station at kinakailangan nilang bumiyahe ng humigit kumulang isang oras dahil sa hindi maganda ang daan.
Pagdating anya nila sa lugar ay nasunog na ang pitung silid aralan at pasado alas nuebe na ng gabi tuluyang naideklarang fire out.
Gawa sa kahoy ang mga silid aralan bukod pa sa malakas na hangin kaya’t madaling natupok ng apoy.
Ang natira na lamang anya sa nasabing paaralan ay ang classroom ng mga kinder at ang opisina ng nasabing paaralan.
Umaabot anya sa limang milyong piso ang halaga ng mga natupok ng apoy batay sa mga guro sa nasabing paaralan.





