--Ads--

Kinumpirma ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), ang operator ng Ninoy Aquino Internatonal Airport, na nasa “stable condition” na ang pitong indibidwal na nasugatan sa pagbagsak ng bahagi ng kisame sa Terminal 1 ng paliparan nitong Biyernes, Abril 3.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng pamunuan na agad rumesponde ang medical team ng NNIC, kasama ang airport security personnel at ang Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group, upang tulungan ang mga naapektuhan.

Agad ding kinordon ang West Arrival Curb C area sa labas ng passenger terminal building, malapit sa isang food concession outlet, upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Ininspeksyon na rin ng engineering team ng NNIC ang lugar at kinumpirmang ligtas ito para sa normal na operasyon ng paliparan.

--Ads--

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente. Nakikipag-ugnayan ang pamunuan sa mga kaukulang awtoridad at tiniyak na magsasagawa ng nararapat na aksyon batay sa magiging resulta ng imbestigasyon.

“We are extending all necessary assistance to those affected. The safety and well-being of passengers, airport workers, and visitors remain our top priority,” ayon sa NNIC.