CAUAYAN CITY – Pitung sundalo ang wounded in action sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng 86th Infantry Batallion at mga kasapi ng New people’s Army (NPA) sa Mabbayad, Echague, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Captain Jefferson Somera, Chief ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division na tumugon ang mga sundalo sa sumbong ng mga sibilyan ukol sa presensiya ng mga rebelde sa kanilang lugar
Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng NPA na nagresulta ng pagkakasugat ng pitung sundalo.
Kaagad naman na-airlift ng chopper ng Philippine Army ang mga sugatang sundalo at dinala sa mga pagamutan dito sa lunsod ng Cauayan.
Kinakailangang operahan dahil sa tinamong mga tama ng baril ang isa sa pitung na mga sundalo habang ang iba pa ang nagpapagaling na lamang sa pagamutan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagtugis ng tropa ng 86th IB sa mga tumatakas na di pa malamang bilang ng mga rebelde sa Echague, Isabela.




