--Ads--
CAUAYAN CITY – Tumaggap ng pagkilala at tulong pinansyal ang 7 sundalong nasugatan sa engkwentro laban sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Mabbayad, Echague, Isabela mula sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sgt. Benjie Maribbay ng 86th Infrantry Battalion Philippine Army, sinabi niya na isinagawa ang paggawad ng parangal sa pitong sundalo na pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez.
Nakatanggap din sila ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Tig- P/30,000.00.
Ang 7 sundalo ay nakatakdang bumalik sa kanilang tungkulin matapos ang ilang linggong pagpapagaling dahil sa tinamong sugat makaraang makipagbaksabakan sa mga rebeldeng NPA.
--Ads--




