70 barangay sa region 2, idineklarang drug free at drug cleared
CAUAYAN CITY – Umabot na sa dalawamput apat na barangay ang naideklarang drug cleared habang apatnaput anim ang drug free sa buong ikalawang rehiyon.
Lima palang sa 716 na drug affected barangay sa Isabela ang idineklarang drug cleared.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Lala Tomas, Information Officer ng PDEA Region 2, sinabi niya na lima pa lamang ang naideklarang drug cleared sa mga drug affected barangay sa Isabela.
Tatlo ay sa bayan ng Burgos, Isabela habang ang dalawa ay sa San Guillermo at isa sa Santiago City.
Sa drug free barangay ay lima sa bayan Burgos, isabela.
Ayon pa kay Tomas, nakatakda ring ideklarang drug free ang labing-apat na barangay ng Ilagan City habang dalawa ang idedeklarang cleared sa Santiago City sa mga susunod na araw.
Sa mga drug free municipality ay dalawa sa Isabela na kinabibilangan ng Divilacan at Maconacon.
Sa Batanes naman ay ang bayan ng Itbayat at Sabtang.
Sa drug cleared naman ay tanging ang lalawigan ng Cagayan ang nakapagdeklara at ito ay ang bayan ng Sta. Teresita at Sta. Praxedes.




