CAUAYAN CITY – Ikinalungkot ng grupo ng mga health workers ang pasya ng Office of the Solicitor General na ibalik sa Bureau of Treasury ang P19 billion pondo ng PhilHealth sa halip na ilaan sa Health Emergency Allowance o HEA.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jao Clumia ang Spokesperson ng Private Health Workers Network sinabi niya na labis silang nalungkot sa pasya ng Solicitor General na ibalik na lamang sa Bureau of Treasury ang hindi nagamit ng pondo ng Philhealth sa halip na ma-divert para sa Health Emergency Allowance ng Health Workers.
Aniya may karapatan naman ang ahensya na kwestiyunin ang hakbang na ito ng philhealth na umanoy unconstitutional.
Handa naman ang grupo na hintayin ang magiging pasya ng Korte Suprema kaugnay sa naihaing petisyon.
May ilang mga Healthcare Workers pa rin ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang HEA kaya naman plano na nilang maghain na rin ng position paper sa Senado para maisali ang HEA sa talakayan para sa pambansang pondo.
Ipapasilip din nila ang posibleng pagrebisa sa Magna Carta para sa mga Private Healthcare Workers na matagal-tagal na ring nakabinbin.