--Ads--

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaki matapos itong matagpuang wala nang buhay at tadtad ng saksak at taga sa katawan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSgt. Lester Ambrocio, mula sa Investigation section ng Bambang Police Station, sinabi niya na mismong ang Barangay Kapitan ng Barangay Manamtam ang pagkakatagpo sa katawan ng biktima na isang 72-anyos na lalaki sa loob ng isang abandonadong bahay.

Aniya malayo ang lugar at kailangan pang tumawid ng ilog para matunton ang lugar.

Batay sa kapitbahay ng biktima ibinenta umano nito ang sarili niyang lupa sa halagang 3.5 million pesos at umalis sa lugar subalit bumalik pagkatapos ng pitong buwan dahil sa naubos umano ang pera nito.

--Ads--

Magpapakain sana umano ng baboy ang malapit na kapitbahay ng biktima nang makita ang kalunos-lunos na sinapit nito.

Batay sa kanilang imbestigasyon nagtamo ng labindalawang saksak sa katawan ang biktima maliban pa sa taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Sa ngayon blanko pa rin ang pulisya sa posibleng motibo subalit hindi isinasantabi ang usapin ng land dispute.

Dahil sa sobrang layo ng lugar ay walang CCTV sa paligid, gayundin na walang signal kaya naman wala silang lead sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek.

Dahil sa tila fresh pa ang mga sugat posibleng naganap ang krimen pasado ala-una ng madaling araw noong Sabado.

Sa pakikipag-ugnayan din sa ilang kaanak ng biktima wala umano silang matukoy na nakaaway nito o nakaalitan.