
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 520 ang mga COVID-19 positive sa region 2 matapos maitala ng Department of Health (DOH) region 2 ang walong bagong kaso.
Sa walong bagong kaso ay 7 ang mula sa Isabela habang isa ang mula sa Bambang, Nueva Vizcaya.
Una si CV513, 84 anyos na babae mula Naguilian, Isabela, galing sa Quezon City at nakaranas ng lagnat, panghihina ng katawan at kawalan ng ganang kumain.
Ikalawa si CV514, 51 anyos na lalaki na mula rin sa Naguilian, Isabela at galing sa Quezon City.
Ikatlo si CV515, 27 anyos na lalaki mula sa Delfin Albano, Isabela, nakasalamuha sina CV307 at CV394 at nakaranas ng lagnat at ubo.
Ikaapat si CV516, 32 anyos na lalaki mula sa Santiago City at LSI na galing sa Manila.
Ikalima si CV517, 76 anyos na babae mula sa San Mateo, Isabela, nakasalamuha si CV470 at nakaranas ng ubo.
Ikaanim si CV518, 65 anyos na babae mula sa Bambang, Nueva Vizcaya, nakasalamuha si CV422 at nakaranas ng ubo.
Ikapito si CV519, 33 anyos na lalaki mula sa Echague, Isabela, nakasalamuha si CV340 at nakaranas ng ubo.
Ikawalo si CV520, 30 anyos na buntis mula sa San Mariano, Isabela, LSI na galing sa Pasay City, asymptomatic at nasa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City.
Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng 8 bagong COVID-19 positive sa region 2.










