--Ads--

Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang walong bus operator dahil sa paniningil ng sobra sa mga pamasahe.

Ang nasabing hakbang ay matapos ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na huwag munang ipatupad ang taas pasahe.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza na ang mga bus operators na ito ay nakahimpil sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Giit nito na kapag hindi nila sinunod ang direktiba ng pangulo ay mahaharap ang mga ito ng mabigat na kaparusahan.

--Ads--

Kabilang sa mga kaparusahan ay ang suspensiyon o hanggang revocation ng kanilang mga prankisa.

Hinihintay pa ng LTFRB ang kasagutan ng mga bus operators sa mga natanggap ng reklamo nila.