--Ads--

Isang 8-anyos na batang lalaki sa United Kingdom ang nakapagtala ng world record dahil sa murang edad ay nagsusulat na siya ng sa­rili niyang kolum sa diyaryo.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Aneeshwar Kunchala ang may hawak ng titulong “Youngest Newspaper ­Columnist” (male category).

Ito ay dahil mayroon na siyang sariling kolum na pinamagatang “Aneeshwar’s Animal of the Week” sa diyaryong First News.

Ang kolum ni Aneeshwar ay tumatalakay sa kalikasan at mga hayop. Sinimulan niya ang kolum na ito noong Abril 2023 at sa kasalukuyan ay nakapag-publish na siya ng 70 nature journals dito.

--Ads--

Hindi naman ito ang unang Guinness title ni Aneeshwar dahil nakatanggap na rin siya ng titulong “Youngest Documentary Presenter” noong nakaraang taon.