Nakinabang ang mahigit 80 na Isabelino sa libreng serbisyong pang-mata na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City sa ilalim ng Sagip Mata, Sagip Buhay Program.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, kabuuang 83 residente mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ang nabigyan ng libreng eye care services na kinabibilangan ng konsultasyon at iba pang serbisyong medikal para sa kalusugan ng mata.
Kabilang sa mga nakinabang sa programa ang mga residente mula sa mga bayan ng San Isidro, Quirino, Reina Mercedes, at City of Ilagan.
Layunin ng naturang programa na matulungan ang mga Isabelinong may problema sa paningin at mapalapit sa mga mamamayan ang mga serbisyong pangkalusugan ng pamahalaang panlalawigan, partikular sa mga nangangailangan ng tulong medikal.
--Ads--










