--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinangunahan ng Police Regional Office (PRO) 2 at Regional Civil Security Unit (RCSU 2) ang pagsira sa kanilang mga nakumpiskang illegal na paputok at pyrotechnic sa ikalawnag rehiyon.

Ito ay pagpapakita ng kanilang pinaigting na kampanya laban sa mga illegal na paputok.

Isinagawa ang pagsira sa PRO 2 Grandstand sa mga firecrackers and pyrotechnic devices na kinabibilangan ng piccolo one star, happy balls, luces, higad, pillbox, judas belt, missile shot, paper cups, five star, pop pop at balls firecracker na tinatayang mahigit 8,000 ang halaga

Ayon kay PBrig. Genl John Cornelius Jambora, Deputy Regional Director for Administration, katuwang nila sa pagwasak ng mga illegal na paputok ang Bureau of Fire Protection (BFP) region 2 at BFP Tuguegarao City.

--Ads--

Ayon naman kay PLt. Col. Froilan Uy , Officer-in-Charge ng Regional Civil Security Unit na ang mga serye ng operasyon na isinagawa ng RCSU 2 at PRO2 sa buong rehiyon ay lubos na nakatulong sa pagbaba ng bilang ng mga nasugatan sanhi ng paputok na may kaugnayan sa pagdiriwang ng pasko.

Alam na aniya ng mga tao sa regin 2 ang panganib at ang batas na nagbabawal sa paggamit ng mga iligal na paputok na nagresulta sa pagbaba ng bilang ng mga nakumpiska.

Ang pagsira sa mga illegal na paputok ay hindi lamang para palakasin ang antas ng kamalayan sa mga industriya ng paputok kundi dagdagan ang kamalayan sa kahalagahan ng kaligtasan sa paggamit ng mga paputok at pyrotechnic.