--Ads--
Nakauwi na ng Pilipinas ang 81 overseas Filipino workers (OFW) na na-stranded sa Middle East dahil sa tensiyon sa rehiyon, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon sa ahensya, dumating ang mga Pinoy sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sakay ng Emirates flight EK 336 nitong Sabado, Marso 7.
Karamihan umano sa kanila ay may nakatakdang bakasyon o connecting flights mula Dubai papuntang Maynila ngunit na-stranded dahil sa kaguluhan sa rehiyon.
Nabigyan sila ng airport assistance tulad ng pagkain at transportasyon pauwi sa kanilang probinsya, gayundin ang medical at psychosocial assistance, ayon pa sa DMW.
--Ads--











