Siyam na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Mimaropa ang humiling sa Sandiganbayan na payagan silang makapagpiyansa kaugnay ng kasong malversation sa P289-milyong flood control project sa Oriental Mindoro.
Nagsimula noong Enero 8 ang pagdinig ng Sixth Division para sa bail petition ng mga opisyal na co-accused ni dating Ako Bicol congressman Zaldy Co.
Kabilang sa mga opisyal na naghain ng not-guilty plea sa kasong malversation at graft charges sina:
Juliet Calvo, Gerald Pacanan, Gene Altea, Ruben delos Santos Jr., Dominic Serrano, Lerma Cayco, Felisardo Casuno, Dennis Abagon
Montrexis Tamayo
Noong Nobyembre, naglabas ng arrest warrants at hold departure orders ang Sandiganbayan laban kay Co, 15 pang opisyal ng DPWH, at mga kinatawan ng Sunwest Inc. na kinasuhan kaugnay ng road dike project sa Oriental Mindoro.
Ayon sa mga tagausig ng Ombudsman, walang rekomendadong piyansa para sa kasong malversation. Nanatiling at large si Co. Magpapatuloy ang bail hearing sa Enero 12.
Samantala, ipinagpatuloy ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang imbestigasyon laban sa mga politikong umano’y sangkot sa iregularidad sa flood control projects.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza, sisiguraduhin nilang may matibay na ebidensya bago magsampa ng kaso:
Kamakailan nagsampa ng criminal complaint ang BIR sa Department of Justice laban kay Mark Allan Arevalo, sole proprietor ng Wawao Builders, dahil sa halos ₱50 milyong tax deficiency mula sa isang ghost project sa Bulacan.
Batay sa reklamo, lumabag ang kompanya sa National Internal Revenue Code of 1997 sa pamamagitan ng tax evasion na umabot sa ₱48.39 milyon at maling impormasyon sa tax filings.
Nakasaad sa records ng BIR na noong Enero 2024, nakakuha ang Wawao Builders ng kontratang nagkakahalaga ng ₱77.2 milyon para sa riverbank protection structure sa Malolos, Bulacan. Nabayaran ang kompanya ng kabuuang ₱72.37 milyon mula Marso hanggang Abril.
Ngunit sa inspeksyon ng Commission on Audit (COA) at BIR, natuklasang walang istrukturang itinayo sa lugar kahit may ulat na kumpleto na ang proyekto. Dahil dito, hindi pinayagan ng BIR ang deductions at input VAT na inangkin ng kompanya.











