Siyam na katao, kabilang ang walong bata ang nasawi matapos magpaputok ng baril ang isang 13-anyos na estudyante sa isang middle school sa Southeastern Turkey.
Labintatlo naman ang nasugatan sa naturang insidente kung saan anim sa mga ito ang nasa kritikal na kondisyon.
Ilan sa mga estudyante ay tumalon pa mula sa mga bintana upang makatakas sa insidente.
Naganap ang pamamaril sa Kahramanmaraş province sa timog na bahagi ng bansa, kung saan bihira ang ganitong uri ng mass shooting.
Ayon sa opisyal na si Governor Ünluer, ang suspek ay isang estudyante sa ikawalong baitang at anak ng dating pulis. Dalawang baril at pitong magazine umano ang dala ng suspek, at nasawi rin ito sa insidente.
Ayon sa ulat inaresto ng mga awtoridad ang ama ng suspek na si Uğur Mersinli.





