--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay na nang matagpuan ang siyam na taong gulang na batang mula sa Luna, Isabela na isang araw nang nawawala sa Barangay Cutug Pequenio, Reina Mercedes, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Romel Rivera ang Deputy for Operations ng Reina Mercedes Police Station na una silang nakatanggap ng tawag mula sa Luna Police Station kaugnay sa nawawalang bata na hinihinalang nalunod sa Irrigation System.

Agad silang nagsagawa ng occular inspection at dito ay natagpuan ang palutang-lutang na katawan ng isang bata na residente ng Barangay Macaniao, Luna, Isabela.

Batay sa kanilang pagsisiyasat bago ang insidente ay umalis sa kanilang bahay ang biktima at nagpaalam na pupunta lamang sa kaniyang kaklase subalit pagsapit ng hapon ay hindi na umano ito nakauwi.

--Ads--

Iniulat nila ang pangyayari hanggang sa matagpuan na ng isang magsasaka ang bangkay ng bata sa irigasyon.

Sa ilang inisyal na impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Cauayan may kasama ang batang biktima na nagtungo sa irrigation system para sana maligo na nauwi sa trahedya.