CAUAYAN CITY – Sinampahan ng kasong raped in relation to Child Abuse Law ang isang binata makaraang gahasain ang 4 anyos na pinsan sa Cauayan City.
Ang sinampahan ng kaso ay itinago sa pangalang JM, 18 anyos, walang trabaho, tubong Bulacan ngunit pansamantalang naninirahan s Cauayan City habang ang biktima ay itinago sa pangalang Nene.
Sa salaysay ng ina ni Nene sa Women and Children’s Protection Desk ng PNP Cauayan City, iniwan nito ang kanyang 2 anak noong February 15, 2017 sa lola ng kanyang kinakasama upang asikasuhin ang kanyang kasal.
Inihabilin naman niya ang mga anak sa kanyang hipag upang alagaan at sa kanyang pagbalik ay nakita ang dalawang anak na kalaro ang pinsan na si JM na nakahiga sa kama.
Sa kanilang pag-uwi sa bahay at habang naghahapunan ay dumaing si Nene na masakit ang maselang bahagi ng katawan nito.
Sa kanyang pagtatanong sa anak ay nalamang tinusok gamit ang darili ni JM ang maselang bahagi ng katawan nito.
Agad silang nagtungo sa pagamutan upang ipasuri at dito natuklasang may gasgas sa ari ng bata.
Agad na ipinadakip sa pulis si JM at umamin na ginawan ng kahalayan ang kanyang pinsan.
Nanatili sa lock up cell ng PNP si JM at hinihintay ang committment order bago ipasakamay sa Bureau of Jail Management and Penology Cauayan City.