--Ads--
CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang dating empleyado ng Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa kinakaharap na kaso sa hukuman.
Ang akusado ay si Edgardo Mauricio, 54 anyos, may asawa at residente ng Barangay Payac Jones, Isabela.
Sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ng hukuman ay inaresto si Mauricio dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children.
Nasa kustodiya na ng Jones Police Station ang akusado at makakalaya lamang kapag naglagak ng piyansa.
--Ads--