--Ads--

CAUAYAN CITY – Nalunod sa ilog ang tatlo sa apat na batang mag-aaral na hindi pumasok sa kanilang eskwelahan at walang paalam na nagtungo sa Cagayan River sa Linomot, Jones, Isabela.

Natagpuan na ang bangkay ng isa sa tatlong batang lalaki na tinangay ng agos ng tubig na si John-john Nono habang patuloy na pinaghahanap ang dalawa na sina Ronsieg Red Balmilero, 8 anyos at Erickson Viernes, 8 anyos din, kapwa nasa grade 3 at residente ng Linomot, Jones, Isabela.

Nakaligtas ang kasama nilang nagtungo sa ilog na si Ron-ron Suguitan na hindi naligo dahil giniginaw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng tita ng mga batang nawawala na si Esther Daria na si Ron-ron ay nagpatulong sa isang matanda na nangingisda kaya agad nakuha ang katawan ni John-john na bago nalagutan ng hininga ay nasabi na may dalawang kasama na nalunod.

--Ads--

Patuloy ang paghahanap ng mga kamag-anak at rescue team sa Isabela para matagpuan ang katawan ng dalawang nawawalang batang mag-aaral.