--Ads--

Balik Eskuwela program, ilulunsad ng Prov’l Gov’t ng Isabela

CAUAYAN CITY- Ilulunsad Prov’l. Gov’t. ng Isabela sa tulong ng mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ang Balik Eskuwela Program upang maipagpatuloy ang pagtulong sa pagkukumpuni ng mga paaralan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Ipinaliwanag ni Provincial Information Officer Jessie James Geronimo na ang balik eskuwela program ay isang programa kung saan nakapaloob hindi lamang sa pagkukumpuni sa mga paaralang nasira o di kaya ay maihanda ang mga silid aralan pagdating ng pasukan.

Ito ay dadaluhan ng iba’t ibang kasapi ng PDRRMC tulad ng Department of Public Wroks and Highways (DPWH) upang makumpleto ang mga signages pangunahin na ang mga tawiran ng mga mag-aaral sa kahabaan ng pambansang lansangan.

--Ads--

Ang PNP ay titiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalagay ng uniform at non-uniform personnel sa mga paaralan.

Ang Bureau of Fire Protection (BFP) ang titiyak na ang mga paaralan ay hindi fire hazard habang ang Phil. Army at iba pang kasapi ng PDRRMC ay tutulong sa pagkukumpuni ng mga nasirang paaralan.

Hindi pa tiyak kung kailan ilulunsad ang balik eskuwela program ngunit sa madaling panahon ay muling pupulungin ang PDRRMC upang maipaliwanag ang mga dapat gagawin pagdating ng paglulunsad ng naturang programa.