--Ads--
CAUAYAN CITY- Posible umanong tumaas ang bilang ng krimen at maging talamak ang pagpasok ng droga sa bayan ng Maconacon kung pinal na mabubuksan ang Ilagan-Divilacan Road.
Ito ang inamin ni P/Sr. Insp. Val Simangan, Chief of Police ng Pnp Maconacon.
Dahil dito, sinimulan na ng LGU at PNP Maconacon ang pagpapatupad ng monitoring checkpoint para malaman ang sadya ng mga pumapasaok at lumalabas sa nasabing lugar kahit sarado pa ang daanan.
Tiniyak ni Sr. Insp. Simangan na nakaalerto ang pwersa ng pulisya para maagapan ang mga krimen at illegal na transactions na posibleng mangyari.
--Ads--
Ang Ilagan-Divilacan Road ay mag-uugnay sa mga tatlong coastal towns ng Palanan, Divilacan at Maconacon.




