CAUAYAN CITY – Gumagawa na ng hakbang ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Santiago City Female Detention upang maibsan ang pagsisikip ng mga bilanggo sa loob ng piitan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Jail Inspector Susan Encarnacion, Jail Warden ng BJMP Santiago City Female detention na ang capacity ng dalawang selda ay siyam na tao lamang subalit umaabot na sa 107 ang nakakulong .
Ang percentage ng congestion ng BJMP Santiago City Female Detension ay mahigit 1,000 percent.
Anya ginagawa na ngayon ng kanilang paralegal officer ang palaging pag-follow-up sa kaso ng mga bilanggo sa hukuman upang mapabilis ang pag-usad ng kanilang kaso.
Humihingi rin sila ng tulong ng mga local government units sa 4th District ng Isabela upang magkaroon ng panibagong selda para matugunan ang pagsisikip ng bilangguan ng mga kababaihan.




