--Ads--

CAUAYAN CITY – Ilang kawani ng Local Government Unit ng Ilagan City ang pumasok sa kanilang trabaho ngayong araw.

Ito ay sa kabila na una nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa maging sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Paul Bacungan, head ng special project office ng LGU-Ilagan City na sila ay pumasok ngayon sa kanilang tanggapan dahil naka-iskedyul ngayong araw ang pamamahagi ng tulong sa mga scholars ng pamahalaang lunsod ng Ilagan.

Ang mga schoolars ay nauna nang naabisuhan na ibibigay ngayong araw sa kanila ang mga tulong pananalapi kaya hindi na nila ito maaaring bawiin pa.

--Ads--

Dahil dito ay kinakailangang pumasok ang mga kawani ng nasa ilalim ng special project office ng LGU-Ilagan City upang pagsilbihan ang mga mag-aaral.

Sa kabila na naideklarang walang pasok ang mga tanggapan ng pamahalaan ay dumagsa pa rin ang halos 800 mga mag-aaral na nakikinabang sa schoolarship program.