CAUAYAN CITY- Nakahanda ang pamunuan ng 86th Infantry Battallion Phil. Army na nakahimpil sa Balabal, Jones, Isabela sa muling pagkilos ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA)
Ito ay makaraang nagpakita ng puwersa sa mga lalawigan ng Quirino at Nueva Vizcaya ang mga rebelde.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay 1st Lt. Daryl Perolino ng 86th Infantry Battallion Phil. Army, kanyang inihayag na puspusan ang kanilang security measures pangunahin na at malapit na naman ang anibersaryo ng mga rebelde sa buwan ng Disyembre.
Nakikipag-ugnayan na rin ang militar sa mga kasapi ng pambansang pulisya ng Pilipinas maging ng mga contructors sa iba’t ibang mga proyekto ng pamahalaan na mag-doble ingat.
Sinabi niya na ang kampanya laban sa insurhensiya ay hindi lamang ini-aatang sa militar at pulisya kundi kailangan ding makipagtulungan ang mga stakeholders at iulat sa mga otoridad ang mga napapansing pagkilos ng mga rebelde sa kanilang mga lugar.
Tiniyak pa ni First Lt. Perolino na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang protektahan ang mga mamamayan na naapektuhan sa pagkilos ng mga rebelde.
Aminado rin ang opisyal ng militar na nasa paligid lamang ang mga rebelde at kumikilos sila upang magsagawa ng kanilang extorsion activities




