--Ads--

CAUAYAN CITY– Magsasagawa ng sorpresang inspeksiyon ang mga kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP) katuwang ang mga kasapi Cauayan City Police Station at Department of Trade and Industry ( DTI ) sa mga bahay kalakal na nagbebenta ng mga Christmas lights na pangunahing binibili ngayong pandekorasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni FO1 Francis Decena, Public Information Officer ng BFP Cauayan City na kanilang isinagawa ang nasabing hakbang makaraang sumapit na ang buwan ng Disyembre.

Ayon kay FO1 Decena na taun taon ang ginagawa nila ang pagsusuri sa mga ibinebentang Chirtsmas lights upang matiyak na ligtas at hindi magreresulta ng sunog sa panahon ng pasko.

Noong nakaraang taon anya ay wala silang nakitang sub-standard na mga panindang Christmas lights sa kanilang pag-iikot.

--Ads--

Anya, kapag may makita silang lumabag sa mga panuntunan o makitang nagbebenta ng mga sub-standard na Christmas lights ay ang DTI ang magtatakda ng kaparusahan.

Inihayag pa ni FO1 Decena na nagbibigay sila ng mga flyers sa mga barangay upang malaman ang mga fire safety tips ng mga mamamayan sa panahon ng pasko