--Ads--
10 anyos na batang nakalunok ng piso, na-ospital
CAUAYAN CITY – Nagpapagaling na sa pagamutan ang isang batang nakalunok ng barya sa Naguilian,Isabela
Ang nakalunok ay si Jayrus Manuel, 10 anyos at residente ng barangay San Manuel, Naguillian, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan aksidenteng nalunok ni Jayrus ang piso matapos mapagkatuwang paglaruan kasama ng kanyang mga kalaro.
--Ads--
Kaagad siyang isinugod sa pagamutan dahil sa hirap sa paghinga dahil sa nakabarang barya sa kanyang lalamunan.
Sa kasalukuyan si Jayrus ay nasa pagamutan pa lamang kasama ng kanyang mga magulang.




