--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong physical injuries at grave threat in relation to RA 7610 ( Anti-Child Abuse Law) ang isang barangay kapitan na nanutok ng baril sa dalawang menor de edad sa Delfin Albano,Isabela.

Ang suspek ay si Brgy. Capt. Jay Caliguiran, nasa tamang edad, at residente ng Brgy. Ragan Sur, Delfin Albano, Isabela habang ang dalawang biktima ay kapwa Grade 12 student at nasa edad 17 at 18

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula kay P/Supt. Ronald Laggui, public information officer ng Isabela Police Provincial Office, ang dalawang biktima ay nagtungo sa Brgy. Ragan Sur at sa hindi pa mabatid na dahilan ay tinutukan umano ng baril ni Punung-Brgy. Caliguiran.

Habang tinututukan ng baril ang dalawang biktima ay isang hindi pa nakikilang kasama ng barangay kapitan ang sumampal at nanakit sa mga menor de edad.

--Ads--

Ang isang biktima umano ay pinagapang pa sa sementong daanan habang tinututukan pa rin ng baril.

Dahil dito ay nagtamo ng gasgas at sugat sa kanyang katawan ang nasabing menor de edad.

Sa ngayon ay inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban kay Brgy. Captain Jay Caliguiran at sa isa pa niyang kasamahan.