--Ads--

DITO SA LUNGSOD NG CAUAYAN – Kinumpirma ni Public Order Safety Division ( POSD ) Chief Edwin Lucas na humiling na sila ng 10 body camera kay City Mayor Bernard Dy upang gamitin ng kanyang tauhan sa pagpapatupad ng mga ordinansa pangunahin na sa pagpapatupad ng batas lansangan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni POSD Chief Lucas na panahon na umano upang mag level-up ang kanilang tanggapan pagdating sa mga kagamitan.

Aniya tanging ang POSD sa Cauayan City nalamang ang walang gamit na body camera sa Isabela matapos nitong ikumpara ang kanilang tanggapan sa Department of Public Order and Saftey sa Santiago City at Traffic Management Group sa Ilagan City na kasalukuyang gumagamit ng body camera.

Idinagdag pa niya na agad sinang- ayunan ni City Mayor Dy ang kanilang kahilingan dahil sa malaking tulong ito sa paghuli sa mga tsuper na nakakatakas tuwing kasalukuyan ang pagbibigay ng ticket ng mga kasapi ng POSD.

--Ads--

Sa pamamagitan nito ay mamo-monitor kung may mangongotong na traffic enforcer na nanghuhuli ng mga lumabag sa batas trapiko gayundin na matiyak na ginagawa nila ng maayos ang tungkulin.

Samantala, nangunguna pa rin sa talaan ng Public Order and Safety Division ng Cauayan sa batas trapiko na nalalabag ng mga tsuper ngayong buwan ng Enero ay ang Out of lane o hindi pagsunod sa trike lane may bilang na 109.

Pagmamaneho ng walang lisensya na 47 at 17 ang namamasada ng colorum na tricycle.