--Ads--

CAUAYAN CITY– Mas pipiliin na lamang umanong magpakamatay ng isang lola dahil sa ilang beses na pagkakasangkot ng kanyang apo sa mga kaso ng pagnanakaw sa San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mateo Police Station, 12 anyos na batang lalaki ang nahuli sa loob ng isang tindahan sa Brgy. Marasat Grande, San Mateo, Isabela.

Nakulong umano ang bata sa tindahan at magdamag na nasa loob nito matapos masaraduhan.

Ayon sa pulisya, ang nasabing bata ay lagi umanong nasasangkot sa mga pagnanakaw .

--Ads--

Dahil dito ay pinatawag ng PNP ang kanyang lola subalit inihayag nito na hindi na niya kayang pang magbayad ng multa.

Ang ina ng bata ay nasa ibang bansa at hiwalay sa asawa.

Ipapasakamay naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bata kung hindi kayang alagaan ng kanyang lola.