--Ads--
CAUAYAN CITY – Nadakip ang isang lalaki sa isinagawang drug buy bust operation sa Maddela, Quirino.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Maddela Police Station, ang suspek ay si Jerry Detere, 51 anyos, Poblacion Sur, Maddela.
Nagsagawa ng operasyon ang mga pulis laban kay Detere na nagresulta ng pagkakasamsam ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang P/500.00 bilang marked money.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya.
--Ads--




