--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isang laborer na nasamsaman ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Placer, Benito Soliven, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Benito Soliven Police Station, ang suspek ay si Manuel Avelino, 25 anyos, binata at residente ng lugar.

Nadakip ang suspek matapos makuha sa kanyang direktang pag-iingat ang isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Unang hinuli si Avelino ng mga opisyal ng barangay makaraang masangkot sa kaguluhan sa kanilang lugar at nang kapkapan ay dito nakita ang ipinagbabawal na gamot sa kanyang bulsa.

--Ads--

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na pulisya ang binata para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.