CAUAYAN CITY Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) Filipino Community sa Hualien, Taiwan na naapektuhan ng 6.4 magnitude na lindol
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Loida Salazar Hu, tubong Cauayan City, restaurant owner at Presidente ng Filipino Community sa Hualien Taiwan na mayroong mahigit isang libong pinoy ang nagtatrabaho sa Hualien na inaalalayan ng MECO.
Nagbibigay anya ang MECO ng mga pangangailangan ng mga pilipinong naapektuhan ng Lindol.
Sinabi pa ni Gng. Loida Salazar Hu, restaurant owner sa Hualien Taiwan na umaabot na sa mahigit dalawang daang aftershocks ang kanilang naramdaman matapos ang malakas na lindol.
Natatakot na rin anya ang mga pilipino doon dahil sa ngayon lamang sila nakaranas na malakas na lindol.
Nanawagan si Ginang Hu sa mga pinoy na ipagdasal ang kaligtasan ng mga kapwa pinoy at maging ang Taiwan sa nararanasang kalamidad.




