--Ads--

CAUAYAN CITY- Kinumpirma ni Mayor Ventorito Bulan ng Divilacan, Isabela na bibigyan ng pamahalaang lokal na gantimpalang salapi ang dalawang speedboat operator na nakatagpo sa isang container na naglalaman ng 18.9 kilo ng coccaine sa baybayin ng Divilacan.

Pinuri ni Mayor Bulan ang pagiging mulat at pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa Divilacan sa kampanya laban sa illegal na droga.

Ang container na naglalaman ng coccaine ay natagpuan noong February 5, 2018 nina Wardly Centeno, 30 anyos at Randy Guillermo, 39 anyos, kapwa speedboat operator at ipinasakamay sa mga opisyal ng kanilang barangay na siya namang nagpasakamay sa Divilacan Police Station.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Mayor Bulan na ang ibibigay na halaga sa mga nakatagpo sa illegal na droga ay pag-uusapan pa nila ni P/Senior Inspector Jonathan Ramos, hepe ng Divilacan Police Station.

--Ads--

Si Senior Inspector Ramos ay una nang binigyan ng Medalya ng Kagalingan ng Police Regional Office No. 2 dahil sa maagap na pagtugon sa pagka-recover ng malaking halaga ng coccaine.