--Ads--

CAUAYAN CITY- Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002 ) ang isang lalaking nasamsaman ng ipinagbabawal na gamot sa drug buy bust operation sa Zone 3, San Mariano, Isabela.

Ang nadakip ay si Lester Torralba, 28 anyos, isang tokhang responders at residente ng Zone 3, San Mariano.

Ang drug buy-bust operation ay isinagawa ng San Mariano Police Station sa pangunguna ni P/Sr. Insp. Gary Macadangdang, Deputy Chief Of Police at mga kasapi ng PDEA.

Sinabi ni Torralba na pauwi na siya nang harangin at padapain ng mga pulis.

--Ads--

Itinanggi niya na sa kanya ang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakuha sa kanyang bulsa dahil sigarilyo at lighter lamang ang laman nito.

Inamin niya na dati siyang gumagamit ng illegal na droga ngunit nagbago na siya.

Iginiit naman ng San Mariano Police Station na matagal na minanmanan nila si Torralba bago isinagawa ang operasyon.

Kinausap na siya ng mga opisyal ng barangay na magreport sa himpilan ng pulisya at sumailalim sa seminar ng TESDA ngunit hindi siya tumugon.