--Ads--

CAUAYAN CITY – inihahanda na ang kasong isasampa laban sa isang construction worker na nadakip sa isinagawang entrapment operation sa Roxas, Isabela matapos takutin ang kanyang kasintahan na ipapakalat sa social media ang malalaswang larawan kapag hindi ibigay ng hinihinging pera.

Ang nadakip ay itinago sa pangalang Dennis, 23 anyos, residente ng Roxas Isabela.

Unang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima matapos makatanggap ng text message hinggil sa paghingi ng pera ng suspek.

Nagbanta ang binata na ipapakalat sa social media ang malalaswang larawan ng kasintahan kung hindi ibigay ang hinihinging pera.

--Ads--

Agad nagsagawa ng operasyon ang roxas police station na nagbunga ng pagkadakip ng binata.