--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 1,000 beneficiaries ang nakatanggap na ng Livelihood Loan Assistance mula sa Provincial Government ng Isabela.

Ang mga nakinabang ay ang mga maliliit na negosyante ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) mula rito sa City at mga bayan ng Luna at Reina Mercedes.

Ang pagbibigay ng Livelihood Loan Assistance ay isinagawa sa Cabaruan Community Center, Cauayan City.

Bawat isa at nakatanggap ng P/10,000.00 pautang at babayaran ng walang interest.

--Ads--

Inihayag ni Governor Faustino Dy III na ang layunin ng programa matulungan ang mga mayroong maliliit na negosyo at mga OFW na matulungan sa paghahanapbuhay.

Sinabi pa ng Gobernador na upang malabanan ng mga mamamayan sa Isabela ang kahirapan ay nagbibigay sila ng mga pautang sa mga maliliit na negosyante at mga OFWs na kanilang babayaran na walang interest