--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang lalaki dahil sa kasong arson sa Naguillian, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang dinakip ay si Jerry Manuel, 44 anyos, may asawa, isang tricycle driver at residente ng nasabing bayan.

Ang pagkaka-aresto kay Manuel ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ferdinand Dalpig ng 5th MCTC Naguillian-Reina Mercede sa kasong arson.

Kinakailangang makapaglagak ni Manuel ng P30,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

--Ads--