--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Rep. Act 10883 ( New Anti-Carnapping law ) ang isang lalaki matapos tangayin ang motorsiklo ng kanyang kabarangay sa Old Centro Uno, San Mateo, Isabela.

Ang suspek ay si Reynaldo Aguilar, 45 anyos habang ang nagreklamo laban sa kanya ay si Jhonny Balbin kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng San Mateo Police Station, tinangay ni Aguilar ang motorsiklo ni Balbin na nakaparada sa kanilang bahay ngunit sa pagtugon ng mga brgy. tanod ay natagpuan nila ang motorsiklo dalawang daang metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Nadakip din agad ang suspek at siya ay nasa pangangalaga na ng pulisya.

--Ads--

Napag-alaman ng San Mateo Police Station na mayroon na naunang naunang kaso ng pagtangay ng motorsiklo si Aguilar ngunit hindi nasampahan ng kaso matapos mabawi ang motorsiklo.

Napagkakatuwaan lamang umano ni Aguilar ang pagtangay ng motorsiklo saka iniiwan sa di kalayuan sa bahay ng may-ari.

Ngayon na may nagreklamo na laban kay Aguilar tuluyan na siyang sasampahan ng kaso pagnanakaw ng motorsiklo.