--Ads--
CAUAYAN CITY – Tulyan nang idineklara ang 14 na barangay ng Ilagan City bilang drug free.
Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, sinabi ni P/Supt. Rafael Pagalilauan na ang 14 na barangay na idineklarang drug free ang Capo, Minabang, San Pablo, Quimalabasa, Carikkikan Norte, Salindigan, San Ignacio, Mangcuram, Gayung-gayong Norte, Naguilan Sur, Sta Catalina, Morado Ballacong at Rang-ayan.
Ito ay dinaluhan ng mga panrehiyong director ng PNP, PDEA, at DILG at si Mayor Evelyn Diaz.
ito na ang pinakamarami na naideklarang drug free sa buong Isabela.
--Ads--
Sinabi ni P/Supt. Pagalilauan na may inihanda na silang dokumento para sa mga barangay na naideklarang drug cleared.




