CAUAYAN CITY- nahaharap sa kasong paglabag sa presidential decree number 1602 ( Anti Illegal Gambling Law ) ang isang lalaki sa Ilagan City.
Ito ay makaraang madakip sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng mga otoridad ang suspek na si Edward Felito, 23 anyos, binata at residente ng barangay Poblacion, San Pablo, Isabela.
Isinagawa ang operasyon sa barangay San Ignacio, Ilagan City.
Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo kay P/Supt Ronald Laggui, ang public information officer ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang pinagsanib na operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group, IPPO at Ilagan City Police Station ay nagsagawa ng operasyon kontra sa illegal na sugal.
Ito ay nagbunga ng pagkadakip ni Felito at nasamsam sa pag-iingat niya ang isang cash bet na P/1,143.00 at 43 piraso ng piso, 3 piraso ng plastic baskets, dalawang piraso ng pingpong balls, isang betting table, apat na betting boards at isang panel.
Ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.




